Popular Posts

Monday, November 1, 2010

"Ang pinagmulan ng Pilipinas"

"Ang pinagmulan ng Pilipinas"


Magandang Gabi sa inyong lahat! 


Dito, malalaman natin ang pinagmulan ng ating bansang Pilipinas, maraming mga teoryang nag-sasabi na dito nagmula ang Pilipinas,kayo na lang ang huhusga kung alin ang pianiniwalaan ninyo.


Teoryang Asyatiko


Ang teoryang ito ay nagmula kay Dr.Leopoldo Faustino,sinasabi sa kanya teorya na ang Pilipinas ay nabuo mula sa prosesong , Diyastropismo o paggalaw ng balat ng mundo.


Teoryang Tulay na Lupa


Ayon kina  Otley Beyer at Jaime de Veyra, ang mga kontinente ay nag-kadikidkit,at sa pag tunaw ng yelo,tumaas ang tubig at natabunan ang mga tulay at dahilan sa pagka-hiwahiwalay ng mga kontinente.


Teoryang Bulkanismo


Ayon kay Bailey Willis ang mga pulo ng Pilipinas ay nalikha sa pamamagitan , pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng dagat.